Pasilidad para sa free lodging ng mga pulis na naka-quarantine, binuksan

 4 

Dahil sa dumaraming bilang ng mga pulis na kabilang sa Person Under Monitoring at Person Under Investigation dahil sa COVID-19, binuksan na ng PNP ang Kiangan Billeting Center (KBC) na makikita sa loob ng Camp Crame sa Quezon City batay na rin sa rekomendasyon ng PNP Health Service.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang lugar ay inilaan sa mga pulis na sumasailalim sa self quarantine.

Inaalok ng Kiangan Billeting Center ang free board and lodging, libreng pagkain at  mayroon pang WiFi connection.

Sinabi ni Banac ang hakbang nilang ito ay bahagi ng kanilang biosafety plan para matulungan ang mga PUM at PUI na mga pulis habang nagka quaratine.

Sa ngayon mayroon nang kabuuang 145 PNP personnel ang Person Under Investigation habang 1,416 ay Person Under Monitoring.