18 pulis positibo sa COVID, Camp Olivas naka-lockdown

Maging ang mga kapulisan sa Central Luzon partikular na sa Camp Julian Olivas, ang headquarters ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa City of San Fernando sa Pampanga ay hindi nakaligtas sa bagsik ng Coronavirus disease (COVID-19) kung saan isinailalim ito sa temporary lockdown nitong Sabado ng gabi makaraang magpositibo sa nasabing virus ang 18 pulis dito at isang stay-in civilian.

Ayon kay PRO3 director BGen. Rhodel Sermonia ang mga nasabing pulis na katalaga sa Camp Olivas  at ang sibilyan na nakatira sa loob ng kampo ay nag-swab test nitong nakaraang July 27 kung saan pawang nagpositibo sa Covid sa resultang lumabas Agosto 1.

Ang mga ito ay pawang mga asymptomatic o hindi kinakitaan ng ano mang sintomas ng COVID-19, ayon kay Sermonia.

“Our personnel including the civilian who have tested positive are now placed on strict quarantine and monitoring and are immediately transferred to our quarantine facility, we are also establishing the contact tracing including all our PNP and Non-uniformed personnel inside the camp as well as the families of those infected,” ani Sermonia.

Sinabi ni Sermonia na kasalukuyang naka-lockdown ang nasabing kampo para bigyan daan ang isasagawang 48-hour disinfection sa mga pasilidad sa loob ng kampo at pagbabawalan pumasok ang mga non-essential personnel.

Nanawagan din si Sermonia sa publiko na patuloy sundin ang mga itinalagang health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, observing physical distancing at madalas na paghugas ng mga kamay. 

Nabatid pa na patuloy rin ang isinasagawang swab testing ng PNP Regional Health Service sa mga  suspected personnel.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews