182,016 Bulakenyo nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 182,016 Bulakenyo ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa tala ng Provincial Public Health Office o PPHO, nasa 145,055 na ang nakatanggap ng first dose samantalang 36,961 ang bakunado na ng second dose.

Ayon kay PPHO Health Education Promotion Officer Patricia Alvaro, 32,132 na sa A1 priority ang nabakunahan na ng first dose habang 16,855 na ang kumpleto sa ikalawang dose. Bahagi ng grupong ito ang mga healthcare worker.

Nasa 73,540 ang tumanggap ng unang dose habang 8,919 na ang nakakumpleto ng second dose sa mga nasa A2 priority group o ang mga senior citizen.

Dagdag ni Alvaro, nasa 36,959 naman sa A3 priority o ang mga persons with comorbidities ang may bakunado ng unang dose habang 9,328 ang kumpleto na sa ikalawang dose.

Samantala, nagsimula na din ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group o tinatawag na economic frontliner. 2,321 na ang nagkatanggap ng unang dose habang 1,845 ang kumpleto na sa ikalawang dose.

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga nasa A5 priority group o mga indigent. 103 na ang nakatanggap ng unang dose habang 14 ang fully-vaccinated na matapos ang ikalawang dose. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews