PhilSys Institutional Registration inilunsad ng PSA Bulacan

Inilunsad ng Philippine Statistics Authority o PSA Bulacan ang Philippine Identification System Institutional Registration para sa mga kawani ng pamahalaan.

Unang nagparehistro si Gobernador Daniel Fernando kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Bise Gobernador Wilhelmino Sy Alvarado at mga pinuno ng iba’t ibang departamento sa Kapitolyo.

Ayon kay PSA Bulacan Supervising Statistical Analyst Marcelino De Mesa, maaaring magamit ang national ID bilang patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga transaksyon mapagobyerno man o pribadong tanggapan. Maari din itong magamit sa labas ng bansa.

Samantala, patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan sa pagpaparehistro sa kani-kanilang nasasakupan. (CLJD/VFC-PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code