2 bata patay sa ‘meningococcemia’

Dalawang bata kabilang ang isang taon gulang at tatlong taon gulang ang iniulat na nasawi na hinihinalang dahil sa meningococcemia makaraang makitaan ang mga ito ng sintomas ng nasabing nakamamatay na sakit kamakalawa sa lalawigan ng Bulacan.

Ang mga biktima ay mula sa bayan ng Sta Maria at Norzagaray at pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng mga ito para sa seguridad ng pamilya at upang huwag magdulot ng panic sa taumbayan.

Sabado bandang alas-8:00 ng umaga nang magkahiwalay na dalhin ang mga biktima sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital (RMMMH) sa Sta Maria, Bulacan na kapwa nilalagnat, mayroon mga rushes at nagsusuka at kinakitaan pa ng kaparehong sintomas ng sakit na meningococcemia.

Agad na inilipat sa San Lazaro Hispital ang mga ito subalit binawian ng buhay kinalaunan.

Ayon sa management ng RMMMH, sinabihan nito ang likal na pamahalaan ng mga nasabing bayan na magsagawa ng traving and massive surveillance sa tirahan at mga kapitbahay ng biktima upang siguruhin kung mayroon pang katulad na kaso sa nasabing lugar.

Pinayuhan naman ng Provincial Health Office (PHO) ng Bulacan ang ospital ng RMMMH na magsagawa ng kaukulang hakbang para sa infection control measures sa loob ng pagamutan at maging sa mga naging kakontak ng mga biktima.

Hindi naman nagpaunlak o tumugon si Dra Joy Gomez, head ng PHO upang magbigay ng karagdagang detalye at impormasyon hinggil sa nasabing kaso.

Inaalam pa hanggang sa ngayon ang mga resulta ng laboratory test ng mga biktima upang malaman kung talagang sa sakit na meningociccemia ang ikinasawi ng 2 bata.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews