2 establisyimento sa Bulacan, tumanggap ng DTI Bagwis Gold

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinagkalooban ng Department of Trade and Industry o DTI Bulacan ang dalawang establisyimento ng Gold Bagwis Excellence Award dahil sa pagtataguyod sa karapatan ng mamimili at responsableng pagnenegosyo.

Kapwa tumanggap ng nasabing karangalan ang Pandayan Bookshop-San Rafael at SM Hypermarket-Pulilan dahil sa pagtalima ng mga ito sa Fair Trade Laws, pagkakaroon ng consumer welfare desk sa loob ng establisyimento at responsibilidad panlipunan.

Ayon kay DTI Provincial Director Ernani Dionisio, masasabing sumusunod sa fair trade law ang dalawang binigyan ng parangal dahil sa pagsunod sa price tag law, may mga Product Standards at International Commodity Clearance) marks ang kanilang produkto, warranties, resonable ang presyo, ang mga itinitinda ay pawang tunay at orihinal, at pagbibigay ng discounts sa mga senior citizens alinsunod sa Republic Act 9257.

Gayundin ang pagtatalaga ng customer welfare desk at officer, may maayos na employer-employee relationship, pagbibigay ng tamang pasahod sa mga empleyado at at 13th month pay at regular na kontribusyon sa Social Security System at Philhealth.

Sinisiguro din ng mga ito ang kalinisan ng establisyimento at mayroon proper waste disposal, signage, walang nilalabag na batas sa kalakalan sa DTI at iba pang ahensya tulad ng Bureau of Internal Revenue, Department of Health, Department of Agriculture at ISO 9001 compliant.

Ang DTI Bagwis Program ay ipinagkakaloob sa mga establisyimento na patuloy na kumikilala sa karapatan ng mamimili habang ngasasagawa ng responsableng pagnenegosyo kasabay ng pagkamit ng mamimili ng pinakamahusay na halaga ng kanilang pinamili. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews