Walking assistive devices ipinamahagi sa Hermosa

Pinangunahan ni Mayor Jopet Inton kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO personnel ng Hermosa ang pamamahagi ng mga walking assistive devices para sa 12 beneficiaries sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Katuwang ng Hermosa LGU sa naturang proyekto ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO at sa pakikipag-partnership naman ng PSWDO sa The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints.

Layon ng proyekto na mabigyan ng tulong ang mga taong may kapansanan lalo at higit ang mga nahihirapan sa paggalaw at paglakad upang mamuhay nang normal at makagawa ng araw araw na gawain sa kanilang mga tahanan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews