2 katao nadakip sa Hermosa buy-bust

Arestado sa magkasunod na buy bust operation ng pinagsanib pwersa ng PDEA Bataan, 1st PMFC Bataan, Provincial Drug Enforcement Unit at Hermosa MPS ang dalawang suspected drug pushers sa Hermosa, Bataan nitong Martes. 

Sa report mula kay Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa Police, kinilala ang mga nadakip na sina Kenneth Cabiling, 32 anyos, taga Barangay Palihan, Hermosa, Bataan.

Si Cabiling ay kabilang sa Target List ng PDEA Bataan na nakumpiskahan ng nasa dalawang gramo ng suspected shabu at 500 peso bill marked money.

Samantala, sa Barangay Bacong ay nadakip din ang 18 anyos na si Reniel Jay Nicdao na nakuhanan ng 4 na sachets ng shabu at P500 marked money.

Kapwa dinala ang dalawa sa himpilan ng Hermosa Police para sa karampatang dokumentasyon. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews