2 patay sa magkahiwalay na motorcyle road crashes sa Bataan

Patay on the spot ang isang motorcycle rider matapos bumangga ang motorsiklo nito sa Roman Expressway, Brgy Daan Pare, Orion, Bataan, nitong Martes. 

Ayon sa ulat ng Orion Police kinilala ang biktimang si Joel De Luna, legal age at residente ng Abucay, Bataan.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na lulan ang biktima ng kanyang Rusi motorcycle mula sa direksyon ng Limay patungong Balanga City nang madaan umano sa isang road repair site at nabangga sa kanang bahagi ang isang concrete barrier na humantong sa naturang road crash.

Nagtamo ang biktima ng grabeng pinsala sa katawan at ulo at naideklarang dead on the spot ng rumespondeng Orion medic team.

Samantala, patay din ang isang sundalo sa naganap ding motorcycle accident sa tapat ng Petron Bataan Refinery sa Limay, Bataan.

Ayon sa PNP report kinilala ang biktimang si Eber Falsis, 36 anyos, AFP personnel na nakatalaga sa DND Arsenal sa Brgy. Lamao, Limay, Bataan.

Nabatid sa imbestigasyon na mayroon umanong tumawid na kotse sa Roman Expressway nang natyempo namang paparating ang motorsiklo ng biktima at nabangga nito ang kotseng Subaru Wagon na minamaneho ni Allister Go, 57 anyos, isang opisyal ng Petron Bataan Refinery.

Dinala ang biktima sa Limay Health Center bago inilipat sa Bataan General Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews