Bodega ng paputok sa Bulacan sumabog, 8 sugatan

SUGATAN ang walo katao makaraang sumabog ang isang bodega ng paputok sa Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan Huwebes ng tanghali.

Base sa nisyal na report ng pulisya, ang insidente ng pagsabog ay naganap bandang alas-1:PM sa Sitio Manggahan, isang fireworks manufacturing site.

Ang walong hindi pa nakikilalang mga biktima na hinihinalang mga manggagawa o tauhan sa nasabing bodega ay kaagad isinugod sa Rogaciano Mercado Hospital para lapatan ng lunas.

Nabatid na isang tawag mula sa radio ang natanggap ng Santa Maria Police kung saan ipinabatid ang naganap na trahedya kung saan marami ang sugatan.Patuloy pang inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagsabog at kung mayroon mga nasawing biktima dahil habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa napapasok ang nasusunog na establisyimento.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews