2 pekeng CIDG agents huli sa Subic, Zambales

Nadakip ng joint units ng Olongapo at Zambales CIDG ang dalawang lalaking ito sa isinagawang police operation kaninang umaga sa Calapacuan, Subic, Zambales.

Sa report mula sa CIDG, napag-alaman na sangkot umano ang dalawa sa mga robbery-holdup cases sa naturang bayan kung saan nagpapakilala diumano sila bilang mga CIDG agents. 

Kinilala ang mga nadakip na sina Randy Padilla at Boyet Santos. 

Nakuha sa kanila ang isang Cal.38 revolver na walang serial number at may 6 na bala, 1 bladed weapon, 1 white polo shirt na may CIDG logo sa harap at likod, at isang motorized tricycle na may PNP logo sticker. 

Dinala sila sa himpilan ng CIDG Olongapo CFU habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews