200 libong halaga ng droga kumpiskado sa 2 drug suspects sa Zambales

 12 

Aabot sa 200 libong pisong halaga ng droga ang nasabat sa police operations sa San Narciso at San Antonio, Zambales nitong Hueves.

Sa report mula sa Zambales Police Provincial Office kinilala ang mga nadakip na sina Webster Viado, 31 anyos, at Ferdinand Ladrillono, 39 anyos.



Si Viado na nagtangka pang tumakas sa checkpoint ay nakuhanan ng 7 plastic sachets ng shabu na may bigat na 30 gramo at may street value na P166 thousand at ang black na Toyota Corolla na may plakang AAY 4967.

Samantala, kay Ladrillono ay nakumpiska naman ang 2 plastic sachets ng shabu na may bigat na 5.519 grams at may street value na P37,000, marked money, motorsiklo, celphones at drug paraphernalia.

Kapwa sila dinala sa himpilan ng pulisya para sa karampatang dokumentasyon at disposition.

atang dokumentasyon at disposition.