3 bayan sa Bataan may bago nang chiefs of police

Nagsagawa ng reshuffle o balasahan sa hanay ng kapulisan ng Bataan si Bataan PPO Provincial Director, Police Col. Romell Velasco nitong nagdaang Mierkoles.

Mismong si PD Velasco ang nanguna sa Turn-over of Office Ceremony ng mga Chiefs of Police mula sa mga bayan ng Dinalupihan, Limay at Abucay PNP stations na ginanap sa Kapanalig Lounge, Camp Cirilo S. Tolentino, Balanga City, Bataan.

Si Police Lt. Col. Sonia Alvarez, ay pinalitan ni Police Lt. Col. Joel Aparejado bilang hepe ng Dinalupihan Police habang si Police Major Gerald John Bautista ay pinalitan ni Police Major Jennifer  Cruz bilang hepe ng Kapulisan ng Limay at si Police Major Dennis Duran ay pinalitan ni Police Major Winston Norte bilang hepe ng Abucay PNP.

Ang mga nabanggit na opisyal ay umabot na o lumabis na ng isang taon sa kanilang mga posisyon kaya’t naging mandatory sa kanilang hanay na mapalitan na sa mga naturang pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.