3 katao huli sa drug den raid sa Bataan

Kalaboso ang tatlong katao sa isinagawang raid ng Orani Police sa isang suspected drug den sa Noraville Subd. Brgy. Tugatog, Orani, Bataan, Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat mula kay Orani Deputy Chief of Police, Police Lt. Gilcerio Dizon Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Philip Santos, 41 anyos, taga Balut, Orani, Bataan; James Mark Pareño, 29 anyos, taga Tapulao, Orani, Bataan; at John Lee Pagtalunan, 26 anyos, jobless at taga Noraville Subd. Tugatog, Orani, Bataan.

Nabatid sa report ng pulisya na nahuli sa akto ang mga nabanggit na suspect na nasa kalagitnaan ng pot session o sabay sabay na paggamit ng illegal na droga o shabu gamit ang drug paraphernalia.

Mismong kapitan ng barangay umano ang nagsabi sa PNP na ang naturang bahay ay isang drug den.

Dinala ang mga ebidensya at mga suspek sa himpilan ng Orani PNP para sa priper documentation at disposition. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews