LUNGSOD NG MALOLOS — May 3,314 estudyante ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo” scholarship program.
Ayon kay Governor Daniel Fernando, sinisikap nila na maipagkaloob ang tulong pinansyal sa mga qualified at deserving na mga bata upang matupad ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19.
May 3,092 estudyante anya na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo ang tumanggap ng tig 3,500 pisong financial aid.
Gayundin 13 kabataan Bulakenyo na may academic awards ang tumanggap naman ng tig 5,500 piso at tig 5,000 piso naman para sa 209 na masteral students.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College at Bulacan State University.