Simula sa March 16, 2020, ipatutupad na ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga tanggapan nito, maging sa mga attached agencies ang 4-day work week.
Ito ay isang precautionary measure upang maiwasan ang paglawak ng Corona Virus Disease o Covid-19, alinsunod sa Presidential Proclamation 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency.
Sa administrative order no. 99 na pirmado ni Sec. Silvestre Bello III, sakop ng 4-day work week ang DOLE Central Office sa Intramuros, Manila, kasama na ang Regional Offices, Bureaus at Field Offices ng ahensya.
Gayundin ang Attached Agencies ng DOLE na:
– Employees Compensation Commission
– Institute for Labor Studies- Occupational Safety and Health Center
– National Conciliation and Mediation Board
– National Labor Relations Commission
– National Maritime Polytechnic
– National Wages and Productivity Commission
– Philippine Overseas Employment Administration
– Professional Regulation Commission- Overseas Workers Welfare Administration
Ang working hours o oras ng pasok ay magiging 7:00 AM hanggang 7:00 PM, mula Lunes hanggang Huwebes.
Biyernes ang magiging day-off ng mga empleyado.