Lockdown pinabulaanan ni Acting PNP spokesperson

Itinanggi ni PNP Director for Police Comunity Relations at acting spokesperson PMgen Benigno Durana Jr. ang mga ulat na kumakalat sa social media na may kautusan ang pamunuan ng PNP na I-lock down ang National Capital Region.

Sinabi ni Durana na tanging ang NDRRMC lang ang may  awtoridad na mag-isyu ng lockdown order kaugnay sa umiiral na public health emergency.
Ginawa ni Durana ang pahayag matapos na kumalat sa social ang isang memo patungkol sa umano’y pagpupulong na pinatawag ng PNP para pagplanuhan ang lockdown sa ilang bahagi ng metro Manila dahil na rin sa mga kaso ng COVID 19 sa NCR. 

Kanina ay nakatakda sanang magsagawa ng press conference ang DOH kaugnay ng napagusapan sa pagpupulong sa Deparment of National Defense ng Inter agency Task force on emerging infectious diseases.

Pero hindi ito natuloy at sinabi ng mga opisyal na gusto munang makausap ng Pangulo ang mga miyembro ng Task force bago magpalabas ng anumang announcement.