BALANGA CITY – Apat na barangay mula sa una at ikalawang distrito ng Bataan ang binigyan ng award na 1Bataan Seal of Healthy Brangay sa isinagawang pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo ng bahay pagbabago reformartion center sa Bataan.
Sa naturang okasyon ay nagsilbing guest of honor si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kung saan mismong siya at si Bataan Governor Abet Garcia ang nag abot ng certificate at tseke na nagkakahalaga ng limampung libo o 50 thousand pesos sa bawat barangay na nabigyan ng naturang parangal.
Ayon kay Bataan Provincial Health Office o PHO Chief, Dr. Rosanna Buccahan, ang mga nagwaging Barangay ay ang Barangay Palili (Samal), Barangay East Daan Bago (Samal), Barangay Wakas South (Pilar), at Barangay Panilao (Pilar).
Ang mga alkalde na sina Pilar Mayor Charlie Pizarro at Mayor Aida Macalinao ng Samal, Bataan ay nakasama ng mga punong barangay na tumanggap ng naturang parangal kung saan ang pinagbasehan ng PHO Monitoring ay ang buwan ng July 2019.
Ang 1Bataan Seal of Healthy Barangay ay inilunsad ni Bataan Governor Abet Garcia na naglalayong makatuwang ng mga LGUs ang mga barangay na magkaroon ng zero animal bites, zero dengue, zero maternal deaths at drug-cleared barangay.