Kaliwa’t kanan ang advice tungkol sa pag-iipon. Pero para sa iba, madaling sabihin pero mahirap gawin. Huwag mag-alala, narito ang 5 na practical tips para mapalago ang iyong ipon at guminhawa ang buhay mo.
1. Dapat consistent ang pag-budget at pag-manage ng gastos
Ugaliing gumawa ng budget para sa iyong mga gastusin buwan-buwan. Mahalagang nakaplano kung saan mapupunta ang kita mo.
Maraming paraan, para ma-monitor ang gastos mo. Pwedeng mag-download ng app sa phone gaya ng “budget tracker” o “money manager.” Kung gusto mo naman ng personalized, gumawa ng sariling listahan sa iyong phone. Pwede ka din gumamit ng notebook. Basta kung saan ka komportable, yun ang gawin mo. Mahalagang makita kung pasok pa din sa budget ang mga ginagastos mo.
2. Alamin kung ano ang needs vs wants
Bago bilhin ang isang bagay, tanungin muna ang sarili, “Kailangan ko ba talaga ito?” Minsan kasi ang mga “wants” ay nagiging “needs” pag hindi nasusuring mabuti.
Alamin mo ang iyong priorities. Ano ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo? To do this, gumawa ng top 10 list ng mga bagay na kailangan mo. Tignan at ayusin ito base sa pinaka-importante at hindi gaanong importante.
Base sa listahan, makikita mo kung ano talaga ang kailangan at dapat unahin.
3. Mamuhay ayon sa iyong kinikita
Always aim to live within your means. Sa panahon ngayon, mahalaga maging praktikal. Kung hindi kaya ng budget, huwag nang ipilit.
Hindi kailangang makipag sabayan sa magagarang bagay na nakikita sa social media. Pwede ka naman maging cool at fashionable kahit na hindi branded ang mga gamit mo. Ang importante ay confident ka.
4. Simulan mag-ipon ngayon and make it a habit
Kahit na magkano pa ang kita o sweldo mo, pwede kang makaipon ng malaki kung sisimulan mo ngayon. Iwasan gastusin lahat ng bonus o kita, at maging one-day millionaire.
Subukan mo muna sa malit na halaga. Halimbawa, yung 100 pesos araw-araw, pag inipon mo mula ngayon hanggang December, pwedeng umabot ng 30,000. Para hindi mo magalaw ang inipon mo, mas mainam at secured pa kung mag-o-open ng savings account sa bangko.
Isa si Coco Martin, brand ambassador ng BDO Network Bank, na naniniwala sa importansya ng saving. Bata pa lang sya, tinuruan na siya ng kanyang lola na mag-ipon. Kaya naman hanggang ngayon handa sila sa mga hindi inaasahang panahon, tulad nitong sitwasyon ng pandemya.
Ayon kay Ramon T. Militar ng BDO Network Bank Community Banking Network Group, makakatulong kung ikaw ay may dalawang bank accounts. Isa para sa iyong sweldo, isa para sa iyong ipon.
5. Mag-loan lang ng halagang kailangan
Huwag madala sa mga nag-o-offer ng malaking loan. Bago mag loan, sagutin mo muna ang mga tanong na ito:
a. Ito ba talaga ang kailangan kong halaga?
b. Kaya ko ba ito bayaran on time?
c. Ang pagkuha ko ba ng loan ay para sa negosyo na kumikita, or di kaya ay sa bagay
na tumataas ang value, gaya ng lupa?
Kailangang pinagpaplanuhan din ang pag-loan para maingatan ang inyong credit status. Kung binabayaran mo ang loan mo on time, mas madaling makapag-loan ulit in the future. Ayon kay Alberto O. Quiogue ng BDO Network Bank Salary Loans Group, ang loan ay para matulungan ka at hindi para mahirapan ka. Iwasan ang loans para sa luho para hindi mabaon sa utang.
Maaaring bisitahin ang BDONB Facebook page (fb.com/BDONetworkBankPH) o ang BDONB website (bdonetworkbank.com.ph/) para malaman kung anong produkto at serbisyo ang tama para sa pangangailangan mo.