Olongapo City – Magkasunodsunod na isinugod sa James L. Gordon Hospital ang mga estudyante ng Olongapo City National High School (OCNHS) matapos magsikip ang dibdid at mahilo nang makalanghap ng kemikal na ammonia mula sa planta ng yelo sa Barangay East Tapinac, Olongapo pasado alas kuwatro ng hapon kanina.
Aabot sa 60 estudyante umano ang naapektuhan ng ammonium leak kabilang ang mga nasugatan sa naganap na stampede nang magkagulo at magpanic ang mga estudyante habang nagmamadaling lumabas ng nasabing paaralan.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino, mula umano sa nasirang check valve na misnong daluyan ng ammonia nagsimula ang leak.
Kinukumpuni umano ang refrigeration tube ng nasabing planta nang biglang bumigay ang check valve nito at nagsimulang sumingaw ang nasabing kemikal.
Pansamantala namang ipinatigil ng Alkalde ang operasyon ng planta na ang lokasyon ay nasa likuran bahagi lamang ng OCNHS.
Patuloy naman inoobsebahan ang mga isinugod na estudyante sa nasabing pagamutan.