69 pares, sabay-sabay na ikinasal sa Kasalang Bayan sa Dinalupihan

Sabay sabay na ikinasal nitong Martes ng umaga ang 69 na magsing-irog sa isinagawang Kasalang Bayan 2022 sa Bulwagan ng Bayan, Dinalupihan, Bataan.

Nagsilbing major sponsors, ninong at ninang ang mga local officials ng Dinalupihan sa pangunguna ni outgoing Mayor and Congresswoman-elect of the 3rd District of Bataan, Gila Garcia, Mayor-elect Herman “Tong” Santos, Administrator Rolly Rojas at SB Members.

Sinaksihan din ito ng mga opisyal ng Philippine Statistics Authority.

Ang aktibidad na ito, ayon kay Mayor Garcia, ay ginagawa ng LGU-Dinalupihan sa nakalipas na pitong taon na.

Bukod sa libreng kasal ay may mga regalo at cash gifts pang natanggap ang mga bagong kasal mula sa kanilang ninong at ninang na nasa public service.