78 pulis nagpositibo sa COVID-19

CAMP CRAME – Umabot na sa 78 na mga pulis ang positibo sa COVID-19.
Ito ang iniulat ngayong Biernes  ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Bernard Banac batay na rin sa ulat ng PNP Health Service.

Samantala, 754 PNP personnel naman ay kabilang na sa mga suspected at probable cases ng COVID-19.

Kaugnay nito, mas istrikto namang ipapatupad ng PNP ang biosafety plan sa lahat ng kampo ng PNP, PNP headquarters, at mga presinto kabilang pa ang ECQ Checkpoints. Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

Dagdag pa ni Banac, bukod sa agarang pag aresto sa mga lumalabas sa ECQ pinaigting rin ng PNP ang paghuli sa mga nagho hoard at nagbebenta ng mga overpriced medical equipments.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews