9 ruta ng modern dyip, 2 biyahe ng bus sa Bulacan nilibre ng DOTr

Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng libreng sakay ng Department of Transportation o DOTr sa siyam na mga ruta ng modern jeepneys sa Bulacan.

Ayon kay DOTR Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, binabayaran ng ahensya ang mga operators nito, sa pamamagitan ng Service Contracting Program upang mabigyan ng libreng sakay ang mga essential travelers o Authorized Persons Outside Residence mula nang umiral ang Enhanced Community Quarantine at ngayo’y Modified Enhanced Community Quarantine.

Sa siyam na rutang ito, pito rio ay nasa lungsod ng San Jose Del Monte na kinabibilangan ng Muzon-Balingasa-Balintawak; Muzon-Novaliches; Palmera-San Jose Del Monte Bayan-Balintawak; Minuyan Road 1-2-12-Sapang Palay-Kaypian-City Hall-Dulong Bayan-BSU Sarmiento; Sampol E-Road 12-3-1-2-Sapang Palay; at ang Sampol Bulac-Meycauayan.

Habang mayroong isa sa Bigte Norzagaray-Novaliches at Malolos-Super Meycauayan.

Mayroon pa ring mga bus na inilaan ang DOTr na magbibigay ng libreng sakay para naman sa mga medical at hospital staff frontliners.

Dalawang ruta ng bus ang magmumula sa SM City San Jose Del Monte sa may barangay Tungkong Mangga. May papuntang Centris sa Quezon Avenue, hanggang SM Fairview at sa Commonwealth Hospital and Medical Center.

Mananatili ang libreng sakay sa natukoy na mga sektor hangga’t kakailanganin.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews