95 barangays sa Bulacan pinalubog ni Egay 

Maraming low-lying areas sa lalawigan ng Bulacan ang lumubog sa tubig baha dulot ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong “Egay” na sinamahan pa ng high tide.

Dahil sa mataas na tubig baha na umabot sa 2 hanggang 4 na talampakan ay mayroong mga kalsadahan ang halos hindi na madaanan lalo na ang mga light vehicles.

Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Biyernes, umabot sa 95 barangays sa 12 munisipalidad at lungsod sa Bulacan ang binaha dulot ng ulan dala ni Egay.

Sinabi ni PDRRMC Officer-In-Charge ret. Col. Manuel Lukban na kabilang sa mga sinalantang lugar ay ang 23 barangays sa Calumpit na lubog sa 1 to 3 feet ng baha.

16 na barangay naman sa bayan ng Paombong, 8 sa Guiguinto at Pandi, 5 sa Bocaue at San Rafael na lubog din sa 1to 4 feet ng floodwater.

Ganito rin ang sitwasyon sa mga barangay ng Panghulo, Catanghalan, Pag-asa, Tawiran, at Paco sa bayan ng Obando.

Mataas rin ang tubig baha sa Tabing-ilog, Abangan Norte, Abangan Sur, Poblacion 1 & 2, Nagbalon, Ibayo, Saog and Lias sa bayan ng Marilao, 6 naman sa Balagtas, 4 sa Angat, 2 sa Bustos, at 2 sa Plaridel. 

“Residents along swollen rivers were also advised to move to safer grounds as early as Wednesday afternoon,”  wika ni Lukban.

Ipinag-utos na rin ni acting governor Alexis Castro ang dispatching ng Trucks para sa relief goods at rescue operation sa mga apektadong lugar.

Mula pa kamakalawa ay palaging nagmo-monitor si Castro sa PDRRMO’s Communication, Command and Control Center para personal na malaman ang kalagayan ng lalawigan at ng tatlong dam sa Bulacan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews