
Olongapo City – Ang Team Vegafria, sa pangunguna ng mayoralty aspirant na si Dr. Arnold Vegafria, ay pinaiigting ang pagsisikap sa mga huling araw ng kampanya upang maipakita ang mga plataporma nito sa mga taga-Olongapo.
Sa kanyang talumpati sa Barangay Sta. Rita Holy Spirit Village, nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Vegafria sa mga mamamayan na ang hangarin ay makita ang pag-unlad sa Olongapo sa pamamagitan ng mga makabagong programa at platform ng kanyang koponan.

“Ang inyo pong lingkod ay lubos na nagpapasalamat sa pagpapakita ng inyong suporta sa Team Vegafria bagamat wala pong mga malalaking negosyante sa Olongapo na sumusuporta sa akin, wala din po matataas na local officials na ating kakampi at wala din mga barangay captain na kumakampi sa akin pero ok lang po yan, maski hindi po ako kampihan ng mga malalaking negosyante, matatas na local officials at mga barangay captains ay kakampi ko naman ang taong bayan.” Ayon kay Vegafri
Ibinahagi rin ni Vegafria ang kanyang mga alalahanin tungkol sa kanilang mga campaign materials, na nakatanggap ng mga ulat na ang kanilang mga tarpaulin ay binababa, pinupunit, at pinapalitan ng kanyang mga kalaban.
“Panahon na para magkaroon ng modernisasyon at kaunlaran sa Olongapo, maglalagay ng tayo ng economic zone, bubuhayin natin ang Magsaysay Avenue, sisigla ang turismo, magkakaroon ng maraming trabaho at tataas ang ating ekonomiya ay mangyayari dahil iluluklok ako ng Panginoong Diyos at ng taong bayan!” saad ni Vegafria.