2 kabilang ang babaeng tulak patay sa enkuwentro

PATAY ang sinasabing dalawang bigtime na tulak ng droga makaraang makipagbarilan umano sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa loob mismo ng isang kuwarto sa isang resort sa lungsod ng Malolos, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Gary Israel Dela Cruz, 26, residente ng Sampaguita St.Brgy.Panasahan at ang kasama nito na si Gwynette Kylee N. Hong at residente ng Sevilla St.Brgy. Atlag kapwa sa naturang lungsod.

Ayon kay Malolos acting chief of police Supt. Emerey Abating ikinasa ang buy-bust dakong alas 8:30 ng gabi sa Club Royale Resort sa Brgy.Mabolo.

Nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang nabentahan kaya agad isinara ang pinto subalit nabuksan ito ng mga pulis.

Unang pumutok umano si Dela Cruz at sinundan ni Hong ngunit agad na nakaganti ng putok ang mga operatiba na siyang ikinasawi ng dalawang suspek.

Sinabi ni Abating na may nakarating na impormasyon sa kanila na may nangyayaring bentahan ng droga sa resort kaya ilang araw nilang minanmanan ang naturang operasyon.

Nakuha sa kanilang ang isang Smith and Wesson cal.38 at Cal 22, mga basyo ng bala, 9 na sachet na pinaghihinalaang shabu at ilang sachet na pinaghihinalaang high grade dried marijuana, mga paraphernalia at buy-bust money. –ELOISA SILVERIO

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews