Mga tiga-Nampicuan, hinihimok na magnegosyo

NAMPICUAN, Nueva Ecija — Hinihimok ni Nampicuan Mayor Victor Badar ang mga kababayang subukang mamuhunan o magnegosyo ng mga sariling gawang produkto. 

Aniya, sipag at tiyaga lamang ang kailangan upang makapagsimula at magkaroon ng regular na pagkakakitaan.

Ayon sa punong bayan, nakahandang tumulong ang pamahalaang lokal sa mga kakailanganing pamumuhunan lalo ngayong may magbubukas na bangko sa bayang maaaring hiraman ng pondo sa pagnenegosyo. 

Kanyang mahigpit na paalala ay tutulong ang lokalidad sa paghahanap ng puhunan basta’t tiyaking gagamitin at ipangtutustos sa pagbubukas at pagpapalakas ng negosyo.

Panatag din si Badar dahil mayroon nang nakatatag na Negosyo Center sa bayan, sa pangangasiwa ng Department of Trade and Industry, na umaagapay sa mga pangagailangan ng mga kababayan at mga nagsisimula pa lamang sa industriya. 

Sa kasalukuyan ay isinusulong ng Nampicuan ang mga produktong gawa mismo sa mga inaaning Moringga o Malunggay na ginagawang  tea, noodles, polvoron at moringa powder na bukod sa masustansiya ay maaaring gamitin sa anumang uri ng pagluluto.

Kamakailan lamang ay idinaos ng lokaliad ang ika-Apat na Moringa Festival kasabay sa pagdiriwang ng kanilang taunang kapistahan na layong makilala ang bayan ng Nampicuan hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa. 

Pahayag ni Badar, mahalaga ang suporta ng taumbayan sa patuloy na pag-asenso ng buong munisipyo. 

Samantala, dinarayo ang Nampicuan partikular ng mga deboto dahil dito matatagpuan ang Holy Face of Jesus na mula pa sa bansang Italya.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews