Barangay Mulawin, 5 pang barangay tumanggap ng SGLG awards

ORANI, Bataan — Anim na barangay sa bayang ito ang binigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Barangay Seal of Good Local Governance nitong Lunes ng gabi.

Ito ay ang Barangay Mulawin sa pamumuno ni Punong Barangay Marvin Dela Cruz, Barangay Bagong Paraiso, Barangay Sibul, Barangay Apollo, Barangay Tapulao at Barangay Talimundoc.

Ayon kay Cristy Blanco, hepe ng DILG Orani, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng SGLG marker at certification at pondong P1,666,666.67. na kanilang magagamit sa kani-kanilang barangay sa mga proyektong pangkaunlaran.

Ang awarding ceremonies ay dinaluhan nila Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Mayor Efren Pascual Jr., Orani SB members at lahat ng opisyal ng bawat barangay at ng Sangguniang Kabataan.

Ang mga nabigyan ng awards ay nakapasa sa mga requirements ng DILG kagaya ng business friendliness and competitiveness; peace and order, environmental management na kilala din sa katawagang “3+1” prinsipyo ng SGLG.

Nakapaloob ito sa mga mga core areas kagaya ng financial administrations, disaster preparedness, at social protection. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews