LUNGSOD NG MALOLOS — May 1,800 kapulisan ang idineploy sa Bulacan para tiyakin ang maayos at payapang pagdaraos ng Halalan 2019.
Sa isinagawang Send-Off Ceremony ngayong araw, tinagubilinan ni Police Provincial Director Police Colonel Chito Bersaluna ang mga tauhan na siguruhing ipatupad ang kanilang sinumpaang tungkulin na magkaroon ng ligtas at patas na eleksyon sa lalawigan.
Dagdag pa ni Bersaluna na paiigtingin nila ang kanilang police operationsupang mapangalagaan ang interes ng publiko, mapigilan ang anumang uri ng harassment at mga posibleng poll-related violence.
Kabilang sa mga naging saksi sa naturang send-off ang mga taga Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.