Tatlong sanitary landfills sa lalawigan ng Bulacan ang tigil operasyon kung saan ay apektado ang halos kalahati ng 24 na bayan at lungsod dito.
Nabatid kay Lormlyn Claudio, EMB regional director for Central Luzon, na kasalukyang tigil operasyon ang tatlong sanitary landfill sa probinsiya at ang mga ito ay nasa bayan ng Norzagaray, Obando at sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
Ang Wacuman Inc. Sanitary Landfill sa Norzagaray ay hindi nag-o-operate simula pa last year dahil umano sa mga ginagawang kalsada papunta rito.Habang ang sa bayan ng Obando ay hindi na binigyan ng permit to operate ni Mayor Edwin Santos bilang tugon sa kahilingan ng nakararaming Obandowenyos ilang taon na rin ang nakalilipas.
Habang sa Lungsod ng SJDM ay di na rin pinayagan ng pamahalaang lungsod dito mula nang maupong alkalde si Mayor Artur Robes.
Kinumpirma rin ni Emelita Lingat, DENR provincial officer ng Bulacan sa mga mamamahayag na ang mga nasabing tapunan ng basura ay kasalukuyan ngang unoperationals.
Maging ang mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan at lungsod ay kinumpirma rin na ilang taon na ngang hindi nag-o-operate ang mga nasabing sanitary landfills.
Iminungkahi naman niĀ Lingap sa mga local officials na itapon na lamang nila ang kanilang mga waste materials sa Metro Clark sa Pampanga-Tarlac area.Napagalaman na apektado rin ang kalahating mga bayan sa Bulacan sa koleksyon ng basura sa pagkakatigil ng operasyon ng Wacuman Inc. kung saan sila umuupa at nagtatapon ng kanilang mga basura. –Eloisa Silverio