Tinatayang aaabot sa halagang P5 million ng illegaly cut na narra lumber ang narekober ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa iininagawang pagsalakay sa isang warehouse sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa.
Ayon kay Czar Nuqui, hepe ng environmental crime NBI-Bulacan, sa bisa ng search warrant ay pinasok ng mga tauhan ng nabanggit na ahensiya ang isang warehouse sa Barangay Tiaong sa nasabing bayan matapos makatanggap ng impormasyon na dito inilagak ang naturang kontrabando.
Napag-alaman na ang nasabing mga kahoy ay nagmula at pinutol sa Angat Watershed sa Bulacan at sa Beguet province.Base sa imbestigayon, wala rin umanong pinanghahawakang mga kaukulang permit ang warehouse kung saan nadiskubre ang mga hot lumber na umanoy pag-aari ng isang nakilala lamang sa pangalang Ricky Yu.
Ayon kay Fernando Pitargue, supervising science research specialist mula sa Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ng the Department of Science and Technology, ang mga narekober na kahoy ay pawang mga uri ng narra, mayapis, at white lauan.