P1M pabuya para sa killer ng Baliwag Brgy. Chairman

Umabot na sa halagang P1 milyon ang inilaang pabuya ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa sino mang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspek na pumaslang sa barangayacaptain ng Barangay San Jose sa nasabing bayan.

Kahapon ng umaga mula sa 750,000 ay hinustong isang milyon na ni Mayor Estrella ang reward para sa agarang ikadarakip ng hindi pa nakikilalang gunman na ilang beses na bumaril kay Kapitan Ronaldo “Lupa” Rivera.

Nais ng alkalde na agad na malutas ang krimen at sa pamamagitan ng inilaang pabuya ay umaasa ang mamamayang Baliwagenyo na agarang mabibigyan ng katarungan ang pagpaslang sa punong barangay.

Ayon kay Estrella, walang puwang sa bayan ng Baliwag ang karahasan tulad nito kaya umaasa siya na sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Baliwag katuwang ang kapulisan ay madarakip rin ang suspek.

Si Kapitan Rivera ay pinagbabaril ng mga suspek (riding in tandem) habang lulan ng kaniyang dump truck na nakatakda sanang mag deliver ng buhangin sa Barangay Tarcan.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan si Rivera na siya nitong agarang ikinamatay.

Dahil dito, mariing kinondena ni Estrella at ng mga Blaiwagenyo ang pagpaslang sa isa sa itinuturing na haligi ng pamahalaang lokal ng nasabing bayan bilang punong barangay at hindi umano sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng katarungan si Rivera.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews