LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Humigit kumulang isang libong kapulisan ang idedeploy sa Opening Ceremony ng ika-30 Southeast Asian Games o SEA Games na idaraos sa Philippine Arena ngayong Nobyembre 30.
Sa isinagawang send-off ceremony ng Bulacan Cluster ngayon araw, tinagubilinan ni Bulacan Police Provincial Director PCol. Chito Bersaluna ang kapulisan na tiyakin ang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin at responsibilidad upang maging matagumpay ang isasagawang sporting event sa bansa.
Ani Bersaluna ang pag-deploy sa may isang libong pulis ay upang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng atleta at manonood ng SEA Games.
Katuwang ng kapulisan na magbabantay ang mga kasundaluhan, Bureau of Fire Protection, rescue groups ng iba’t ibang local disaster risk reduction and management office at mga tauhan mula North Luzon Expressway. (CLJD/VFC-PIA 3)