Mga grupong kontra sa CPP-NPA nagrally sa Peace and Love Gathering

CLARK FREEPORT — Kasabay ng ika-51 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines o CPP-NPA ay nagtipon ang iba’t ibang sektor sa Bayanihan Salakot Park sa Freeport na ito. 

Ito ay upang ipanawagan ang pagkondena sa karahasan at giyera bagkus ay pairalin ang kapayapaan at pag-ibig sa ikinasang Peace and Love Gathering na inorganisa ng Kislap Kabataan Region 3, isang grupo ng mga kabataan. 

Umabot sa halos limang libong katao ang nagtipon sang ayon sa PNP kung saan nakiisa rin ang mga grupong Hands Off Our Children, isang samahan ng mga magulang ng mga kabataang na recruit ng mga grupong makakaliwa; League of Parents of the Philippines at iba’t ibang chapters ng Liga Independencia Pilipinas.

Samantala, nagbigay suporta naman ang Central Luzon PNP sa pamumuno Regional Director,  Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ng PNP Police Regional Office 3. 

Pahayag ni BGen. Sermonia, hindi aniya dapat magtungo sa mga left leaning groups kapag may problema o may reklamo sa gobyerno dahil aniya may mga kaukulang departamento o ahensya ang pamahalaan sa bawat sektor ng lipunan. 

Nagpahayag din ng suporta ang opisyal sa mga adhikain ng mga grupo ng kabataang sumusuporta sa gobyerno partikular ang Sangguniang Kabataan at mga kahalintulad na private youth groups.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews