Bilang ng mga naputukan ng firecrackers sa Bataan bumaba

BALANGA CITY – Naitala sa labing tatlo o 13 ang naging biktima ng firecrackers o paputok sa Bataan sa pagsalubong sa Bagong Taong 2020. 

Ito ang ulat ni Bataan Provincial Police Office Provincial Director, Police Col. Villamor Tuliao sa ginanap na news briefing sa kanyang tanggapan sa Camp Cirilo Tolentino. 

Ayon kay Col. Tuliao higit itong mas mababa kumpara noong taong 2018 kung saan naitala ang 33 biktima ng paputok. 

Sa naturang datos, pinakamaraming biktima ng paputok sa bayan ng Morong (5) sinundan ng Orani (3) at tig-iisa sa mga bayan ng Abucay, Balanga City, Hermosa, Mariveles at Samal. Wala namang naitalang naputukan sa mga bayan ng Limay, Dinalupihan at Bagac.




Sa pangkalahatan, ayon kay PD Tuliao ay naging mapayapa ang pagdiriwang ng mga Bataeño sa katatapos na Holiday Season.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews