Dalawang dayuhan ang inoobserbahan ngayon ng mga doktor dito sa Bataan dahil sa suspected novel coronavirus o 2019 NCoV cases.
Ayon kay Balanga City Health Officer Dr. Mariano Banzon, ang dalawang persons under investigation (PUI) ay isang Briton at isang Chinese national.
Pero iginiit ni Banzon na nananatiling nCoV-Free ang Bataan lalo na ang Balanga City.
Ang Chinese national na PUI ay naconfined sa Bataan General Hospital at ang Briton ay nasa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa San Fernando City, Pampanga.
Dagdag pa ni Dr. Banzon ang dalawang PUIs ay mula sa bayan ng Mariveles at Hermosa.
Samantala, nagpapatuloy ang massive information drive ng mga health officials ng lalawigan ng Bataan kung paano maiiwasan ang naturang sakit habang ang pagbuo ng mga barangay health response teams naman ang ginagawa ngayon ng mga LGUs alinsunod sa kautusan ni DILG Sec. Eduardo Año.