Apat na panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kamakailan ay naipasa na sa ikatlong pagbasa sa lebel ng mga komite rito.
Ayon sa ulat ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman, una rito ay ang House Bill No. 5235 o ang “National Autism Care Plan Act” na susuporta sa mga ‘persons with autism.’
“For the longest time, children within the spectrum have always been misunderstood. We must raise awareness about people with autism spectrum disorder and break down the stigma that surrounds the condition,” ani Congresswoman Roman.
Sa kanyang Facebook Page post ay sinabi pa ni Rep. Roman na kagaya ng mga walang kapansanang mga mamamayan ay may karapatan din silang mamuhay ng normal.
“I strongly believe that they deserve a chance at a good life. Let’s help them lead independent and productive lives,” dagdag pa ni Roman.
Sumunod na naaprubahang Panukalang Batas ni Congresswoman Roman on third reading sa Kamara ang House Bill 137 na magpapabigat ng mga parusa sa mga nangaabuso sa kabataan.
“Our children deserve better protection from abuse and exploitation. Let the full weight of the law fall upon culprits. Nauna kong naisip ito noong 17th Congress nang sumulpot ang usapan tungkol sa pagbababa ng age of criminal liability to 9 yrs old,” sabi pa Roman.
Ayon pa sa mambabatas tutol sya na parusahan ang mga bata at ang dapat managot aniya ay ang mga taong “nageexploit sa kanila thru stiffer penalties!”
Samantala, ang House Bill 5829 ni Congresswoman Roman ay naaprubahan na rin sa Kamara. Ito ay ang Good Manners and Right Conduct Act na naglalayong ibalik ang pagtuturo ng GMRC sa mga kabataan at pangalagaan ang mabubuting traditional Filipino values.
“Isa sa mga masamang epekto ng hindi tamang pag-gamit ng social media ay inaakala ng mga kabataan na okay lang maging bastos. Iinsultuhin ang ibang tao, pagbabantaan sila, at tila lumalakas ang loob dahil nakatago behind the screen,” ani Roman.
Dagdag pa niya,”Sa palagay ko po, pwede po tayong mag-usap at magbigay ng kritisismo na hindi nawawala ang respeto. Ang tawag po dito ay good manners and right conduct. Ito po ang dahilan kung bakit pinanukala ko po ang batas na ito.”
Bukod sa mga nabanggit na House Bills ay aprubado na rin ang HB 5869 ni Rep. Roman o ang Anti-Violence against Women and their Children Act na naglalayong patawan ng parusa ang mga lahat ng uri ng harassment gamit ang social media.
“Sa panahon ngayon, hindi lang po physical at sexual ang forms of harassment. Meron na ring harassment sa social media. Let’s end violence. Stop electronic violence!, sambit pa ni Roman.