LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Target ng kapulisan na maibaba ng 10 porsyento ang mga index crime sa Bulacan para sa unang tatlong buwan ng 2020.
Sa kanyang ulat sa katatapos na pinagsamang pulong ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council, sinabi ni Acting Police Provincial Director PCol. Lawrence Cajipe na umabot sa 540 ang naitalang index crimes noong Enero hanggang Marso ng 2019.
Pasok bilang index crimes ang mga crimes against persons tulad ng murder, homicide, physical injury at rape at crimes against property gaya ng robbery, theft, carnapping/carjacking at cattle rusting.
Sinabi ni Cajipe na pabababain nila ito sa pamamagitan ng maigitng na police operations tulad ng mobile patrolling, checkpoints at Oplan Sita at Galugad.
Patuloy din anya ang pagserve ng mga warrant of arrest at search warrants at walang tigil na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations.