DOH: Medical, test at protective supplies, nagkakaubusan na

HOUSE OF REPRESENTATIVES – Inamin ni Department of Health Sec. Francisco Duque III sa Kamara na paubos na ang mga kagamitan panangga sa COVID-19.

Sa isinagawang briefing ngayong Mierkoles ng House Committee on Health, iniulat ni Sec. Duque na hindi problema ang pondo para sa corona virus kundi ang kakaunting medical supplies na kailangan para labanan ang sakit.

Inamin ng kalihim na ngayon ay mayroon ng global shortage ng personal protective equipment at testing supplies.

Umaasa naman si Duque na matugunan pa rin ang kanilang testing supply na mangangailangan ng 2,000 test supplies kada linggo.

Samantala, maging ang mga ospital ay ramdam na rin ang kakulangan sa suplay ng medical supplies.

Ayon kay Philippine Hospital Association President Jaime Almora, kulang na ang face masks supplies sa mga ospital kung saan nag-i-improvised na lamang ang ilang pagamutan sa paggamit ng mga lumang tela o linen.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews