Tatlong COVID-19 patient sa Bulacan, gumaling na

LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlo na ang gumaling sa sakit na coronavirus disease o COVID-19 sa Bulacan.

Ito ang kinumpirma ni Gobernador Daniel Fernando matapos mag negatibo ang resulta sa huling dalawang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction test na ginawa sa mga pasyente ayon na rin sa pamantayan ng World Health Organization.

Ang mga gumaling, ayon sa Provincial Health Office-Public Health o PHO-PH, ay sina PH152 na isang 40 year old na lalake na taga Baliwag, PH21 na 58 year old na babae mula sa lungsod ng San Jose del Monte at PH413 na 31 year old na babae mula sa bayan ng Bulakan.

Bukod sa tatlong gumaling, may 15 mga pasyente ang “clinically improved” na naka quarantine at hinihintay na lamang mag negatibo ang resulta ng kanilang tests.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews