3,000 ECQ at curfew violators arestado ng PNP

CAMP CRAME – Sa kabila ng mas mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols, may tatlong libo at tatlumput anim (3036) na mga pasaway ang lumabag sa curfew at enhanced community quarantine na nadagdag sa bilang ng mga naaresto ng Joint Task Force COVID Shield.

Ayon sa ulat ni JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang kahapon April 22, 2020 umabot na sa 142, 667 ang kabuuang curfew at ECQ violators.

Nadagdagan ito ng 3,036 sa loob lamang ng isang araw.

Panawagan pa rin ni Eleazar sa publiko na sumunod sa ECQ protocols para hindi mapasama sa mga naaresto.

Samantala, umabot na sa 746 ang naaresto ng PNP dahil sa pagho-hoarding at pagbebenta ng overpriced na mga medical equipments.


Habang mula March 17 hanggang April 22 umabot na sa 9,501na mga PUVs ang nahuli ng PNP na bumiyahe kahit bawal. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews