‘Eye in the sky’ monitoring system sa Barangay Mulawin, Orani

Bukod sa mga naka-install na CCTV cameras sa mga major and strategic areas sa Barangay Mulawin, Orani, Bataan ay magkakaroon na ng tinaguriang “eye in the sky” sa kanilang pagbabantay sa barangay.

Ito ang tiniyak ni Mulawin Punong Barangay Marvin Dela Cruz kasunod ng kanyang mga naging aksyon sa mga sumbong na natanggap kaugnay ng mga pasaway niyang mga kabarangay habang umiiral ang extreme enhanced community quarantine sa Bataan sa gitna ng panganib na banta ng coronavirus disease o Covid-19. 

Gamit ang drone cameras ay araw araw na imomonitor ng kanyang mga intel operatives katuwang ang mga watchmen o barangay tanod ng Mulawin, ang nasasakupan ng kanyang barangay.

Kasunod ito ng mga naunang operasyon katuwang ang Orani PNP at Orani LGU sa pagsugpo sa mga ilegal na gawain kagaya ng tupada o illegal cockfight. 

“Beware sa mga nagnanais magpa tupada dito sa Mulawin at buong Orani, lahat mga areas na may mga text at chat sa akin may nagkukumpol-kumpol na mga tao dahil sa pagsusugal nyo? Di kami magsasawa i-monitor kayo wag nyo na ituloy mga binabalak nyo dahil kapwa nyo mananabong ang mga nagpapadala mga pictures nyo at kung sino sino kayo jan sa tupadahan sa susunod ipopost na namin mga litrato nyo dito,” pahayag ni PB Dela Cruz sa kanyang Facebook post nitong Hueves. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews