ORANI, Bataan – Malapit nang matapos ang milk distribution ni Bataan First District Rep. Geraldine Roman sa buong Unang Distrito ng Bataan.
Sa ngayon aniya ay natapos na ang pamamahagi sa mga bayan ng Abucay at Samal, habang nagpapatuloy ang paghahatid ng gatas sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, at Morong.
“Hindi po talaga mabibigyan ang lahat dahil mayroon pong pamantayan na sinusunod: (1) kabilang sa poorest of the poor family; at (2) para lamang po ito sa mga batang edad 3-5,” pahayag ni Congresswoman Roman.
Ang dahilan kung bakit pinili ang 3-5 years old ay dahil mayroong Executive Order (EO) 51 na nagbabawal sa pamamahagi ng infant formula.