Top 1 MWP sa Zambales, arestado

Nadakip ng Zambales Police ang numero uno sa listahan ng most wanted person provincial level sa lalawigan ng Zambales.

Sa ulat mula kay Police Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, Zambales PPO provincial director, kinilala ang naaresto na si Darlene Jane Mon, na may mga alyas na Daya, Gin, CJ at Sinag, residente ng Sitio Mandaloy, Taltal, Masinloc, Zambales at isang aktibong myembro ng New People’s Army o NPA sa ilalim ng Alvarez Peralta Command Zambales Platun. 

Wanted din siya sa mga kasong Murder, 2 counts Attempted Murder, at Arson. 

Siya ay no. 10 naman sa listahan ng most wanted person ng PNP Police Regional Office 3 sa hanay ng “Communist Terrorist Group.”

Walang piyansang inirekomenda sa mga kasong murder at arson habang inatasan ito na magbayad ng tig P100,000 sa bawat kaso ng attempted murder na isinampa laban sa kanya. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews