Dead on arrival sa ospital ang isang engine cadet matapos ang isang self accident na naganap sa Seaborne cargo 6 sa Seafront Shipyard sakop ng Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan nitong nagdaang Biernes.
Sa report mula sa Mariveles PNP, kinilala ang biktimang si Noriel Dumaguin, 23 anyos, tubong Iloilo City.
Ayon sa salaysay ng saksi na si Engr. Juan Pacana, kasama umano siyang nagkakabit ng biktima ng submersible pump sa loob ng main engine ng isang barko nang makita umano niyang nalaglag ang biktima at nawalan ng malay dahil aniya sa tinamong head injury.
Kaagad na isinugod ang biktima sa St. Michael Hospital sa bayan ng Orion subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa naturang insidente.