NLEX, SCTEX sumasailalim sa maintenance works

LUNGSOD NG MALOLOS — Sumasailalim sa maintenance works ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway o NLEX at Subic-Clark-Tarlac Expressway upang maseguro ang kaligtasan at maayos na byahe ng mga motorista.

Ayon sa pamunuan na NLEX Corporation, sinimulan nila ang pagpintura ng mga toll plazas, pavement replacement at pagkumpuni ng mga bitak sa highway, pag-aayos ng bakod at guardrail. 

Sinabi ni NLEX Corporation President J. Luigi Bautista na inihahanda nila ang mga expressway sa muling pagbyahe ng mga motorista matapos ang mahigit sa dalawang buwan nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon sanhi ng COVID-19

Maliban sa mga nabanggit na pagawain, isinagasagawa ang pagpipintura sa concrete island sa toll plaza ng Balintawak, Karuhatan at Bocaue sa Bulacan.

Maging ang southbound portion ng Balagtas ay nagkaroon na ng pagsasaayos ng semento.

Bukod pa rito ang palagiang maintenance activities tulad ng roadway sweeping, pagpuputol ng mga damo, pagbabawas ng ilang matataas ng puno at paglilinis ng mga drainage at oil spill.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews