Gapan SK, nanawagan sa mga kapwa kabataang sumunod sa mga pag-iingat kontra COVID-19

LUNGSOD NG CABANATUAN – Ipinanawagan sa mga kabataan sa lungsod ng Gapan na sumunod sa mga panuntunang ipinaiiral ng gobyerno upang makaiwas sa pagkakasakit ng COVID-19.

Ayon kay Gapan City Sangguniang Kabataan Federation President Gia Pauleen Balatbat, ang lahat ng mga kabataan ay may magagawa para sa bayan lalo sa pagsunod sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.

Magkaroon lamang aniya ng positibong pananaw sa buhay. 

Kaniyang ipinahayag na sa pamamagitan ng social media ay tumutulong ang organisasyon sa pagbibigay paalala sa mga kapwa kabataan hinggil sa pagharap sa bagong gawi ng pamumuhay hanggat nananatili ang suliranin sa COVID-19 pandemic. 

Gayundin ay nagkaroon sila ng pagkakataong makapagbigay ng food packages na naglalaman ng tinapay, sariwang gulay na may kasamang mga bitamina. 

Ang lahat ng mga gawain aniya ng samahan ay nagiging posible mula sa suporta at gabay ni Gapan City Mayor Emerson Pascual.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews