‘Paggamit ng e-money isulong’: Rep. Garcia

Pinag-usapan na sa Committee on Banks and Financial Intermediaries ang ating ipinanukalang House Bill No. 6652 o “An Act Promoting the Adoption of Electronic Money as a Medium of Exchange for Financial Transactions of the Government and All Merchants and for Other Purposes.”

Ito ang iniulat ni Bataan 2nd District Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III.

Aniya, nagkaroon siya ng pagkakataon na linawin at i-kompirma sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga impormasyon ukol sa e-money, single QR code, at stored value coins ng iba’t ibang E-money Institutions (EMI) na kasalukuyang ginagamit sa merkado. 

“Nakita natin ang matinding pangangailangan sa e-money o isang alternibong pamamaraan na paggawa ng mga transaksyon lalo na ngayon sa panahon ng pandemya,” sabi pa ni Congressman Garcia sa kamakailang virtual press conference kasama ang Bataan newsmen. 

Hangarin ng panukalang batas ni Rep. Garcia na maatasan ang mga National Government Agencies (NGAs) and Local Government Units (LGUs) na tanggapin ang e-money sa kanilang mga transaksyon at gawing requirement ng LGUs sa pamamagitan ng isang ordinansa ang pagiging e-money enabled ng mga negosyo para makakuha ng business permit. 

Ayon pa sa mambabatas, ang dalang panganib aniya ng COVID-19 ay walang lunas pa sa ngayon kaya’t nais niyang malimitahan talaga ang galaw, face-to-face na interaksyon at pagtibayin ang mga protocols para sa kalusugan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews