Matapos makumpirma ang karagdagang sampung bagong kaso ay umabot na sa 222 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Bataan.
Ito ang iniulat ngayon ni Bataan Governor Abet Garcia base sa report sa kanya ng Bataan PHO habang 79 naman ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
• Isang 41 taong gulang na lalaking OFW mula sa Morong• Isang 19 taong gulang na babae mula sa Samal• Isang 34 taong gulang na lalaki mula sa Samal• Isang tatlong (3) taong gulang na babae mula sa Samal• Isang siyam (9) na taong gulang na babae mula sa Samal• Isang pitong (7) taong gulang na babae mula sa Samal• Isang 35 taong gulang na babae mula sa Samal•
Isang 22 taong gulang na babae mula sa Mariveles• Isang 10 taong gulang na babae mula sa Orani• Isang dalawang (2) taong gulang na lalaki mula sa Orani.
Sa kabuuan, 158 na ang bilang ng mga nakarecover na.
Ang mga bagong nakarecover ay isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan, isang 44 taong gulang na lalaki mula sa Abucay, at isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Orani.
Samantala, limampu’t apat (54) naman ang bilang ng mga active cases at sampu (10) naman ang pumanaw habang nasa 175 ang naghihintay ng resulta ng test; 4,107 ang nagnegatibo na at 99 ang mga bagong natest.
Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 4,504 na ang natest sa buong Lalawigan.