Kaso ng dengue sa Bulacan, bumaba ng 34%

LUNGSOD NG MALOLOS — Bumaba ng 34 porsyento ang kaso ng dengue sa Bulacan.

Ayon sa ulat ng Provincial Health Office, may 1,652 na kaso mula Enero 1 hanggang Hunyo 29, mas mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nitong Hunyo 29, nakapagtala din ng 10 pagkamatay na may kinalaman sa dengue mula sa lungsod ng San Jose del Monte at bayan ng Obando.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel Fernando na kahit na nasa gitna ng pandemya ang lahat, patuloy pa ring umaatake ang ibang mga sakit gaya ng dengue na nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga mamamayan.

Isinusulong ng gobernador na muling gawing aktibo ang Barangay Dengue Task Force upang matutukan ang mga kaso ngayong nagsimula na ang tag-ulan at mahigpit na pagsunod sa 4S Strategy o Search and destroy of breeding sites, Seek early consultation, Self-protection measures, at Say No to indiscriminate fogging. (

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews